Saturday, April 2, 2011

Sana may Natutunan Tayo

Sa pagkamatay ng tatlong OFW na sina Sally Ordinario, Ramon Credo, at Elizabeth Batain ay nagluluksa ang buong Pilipinas. Nag lukluksa hindi dahil pabor tayo sa ipinag babawal na gamot kundi dahil ito ang naging mukha ng tatalong OFW sa pandaigdigang balita. Nag luluksa dahil sa alam natin nagawa ng nila iyon dahil sa kahirapan na meron tayo dito sa bansa. Nagluluksa dahil alam nating nakalalaya parin ang totoo at mas malaking tao sa likod nito. Naglukuksa dahil alam nating biktima sila ng pagkakataon.


Lahat daw ng bagay ay may dahilan at pag-gagamitan. Sa ganang akin tama may dahilan nga ito. Marahil isinakripisyo ang tatlong buhay upang makapagligtas pa ng mas maraming maaring maging biktima ng West African Syndicate (Sindikatong itinuturo ng mga Pilipinong nasasangkot sa drug mulling). Ngayon na ang bansa ay bukas sa ganitong pangyayari maari nang maiwasan ng iba pang mg Pilipino ang mga sindikatong ito. Hindi lang ang mga ordinayong tao kundi pati narin ang pamahalaan. Mag silbi sanang paala ang tatlong buhay na nawala dahil sa kapabayaan nila. Kapabayaan hindi sa pag salba ng buhay kundi sa pagpigil ng mga Pilipinong may dala ng ganitong uri ng droga na makaabot sa ibang bansa. Yun kasi ang unang tanung nang malaman kong may bibitaying 3 Pilipino "Paano nalakabas sa NAIA ang ganung karaming cocaine."

Patay na ang tatlo, wala naring punto ang mag sisihan, wala naring saysay ang mag turuan ang meron nalang tayo ay ngayon para ayusin ang mga mali na nag dulot sa tatlo sa kapahamakan. Ipanalangin natin ang tatlo sampu ng mga nakahanay pa sa death row. Ipanalangin din natin na sana ay mahuli na ang mga taong nasa likod nito. 

(This was first uploaded on my FACEBOOK Notes last March 30, 2011)

No comments:

Post a Comment