Naglalakad ako nung isang araw sa Cubao pasakay school (PUP) nakita ko naka paskil sa daan "maliit na basura ibulsa pansamantala" malinaw ang mensahe nung karatula. Sa tabi nun ay tindera ng candy at sigarilyo. May bumili sa kanya at pagkatapos ay tinapon sa daan yung balat nung candy, yung isa naman ay idinura yung chewing gum. Nang makasakay na ako sa jeep (biyaheng Stop n Shop minsan ang ang sigaw ng mga caller ay stopshop, o kaya ay shop nalang understood na yun).
Nag uusap sila ni tungkol sa diyaryong hawak hawak nung kanyang kundoktor. Ang headline ay ang impeachment ni Mercidas Guterrez (hindi pa sya nadesisyunan ng house of representative nun). Nagagalit yung driver kasi ang daming kurap daw at hindi nasusulusyunan ng mga taong naatasan na gawin yun.
Di nag tagal ay nahuli ang driver kasi nag baba dun sa may nakasulat na bawal mag baba. Natural nakipag usap sya sa mga naka dilaw na traffic enforcer at inabutan nalang nya ng bente o singkwenta (diko masyadong nakit kasi nakatiklop pareho kasi halos ng kulay yung dalawng pera nayun).
Napaisip tuloy ako, madali para satin na mag sabi ng mali lalo na kung malaking pagkakamali ito, pero pag maliit na ay halos nagiging kultura na at pinababayaan nalang nating mangyari. Madaling husgahan na mali ang gobyerno pero dapat din pala nating tingnan na malaki rin ang kontribusyonkung saan papunta ang gobyerno.
Sa huli na pa Tsk tsk nalang ako at nahiya rin ako sa sarili ko dahil medyo guilty din ako sa mga ganung pagkakataon.

No comments:
Post a Comment