Makalipas ang mahigit dalawang dekada pinag tatalunan parin kung saan ba dapat ilibing ang dating pangulong Ferdinand Marcos. May ilang tao na isinusulong parin ang paglibing sa Libingan ng mga Bayani, may ilan naman na sa iba nalang. Wala nang kuwestyon kung dapat nabang ilibing ang dating pangulo, dapat na talaga. Ngunit dapat bang sa isang libingan hayagang ipinangalan sa mga dakila ng bayan? Sa palagay ko hindi.
Marahil sa panahon ngayon ay hati na ang mga tao sa posisyon ng pag-libing sa libingan ng mga Bayani ng dating pangulo. Isang barometro nito ay ang muling pagsabak at pagkapanalo ng mga Marcos sa pulitika sa nasyonal at lokal na posisyon.
Isa lang naman ang aking rason at iyon ay hindi bayani si Marcos, lahat naman siguro tayo ay alam ang depinisyon ng bayani. Kahit ang Grade 1 ang tanungin natin ay masasagot kung anu ang ginagawa ng isang bayani at hindi kasama rito ang mga ginawa ni Marcos.
Bayani bang maituturing ang isang pangulong nag-taksil sa Saligang batas matapos nitong panatilihin ang kanyang posisyon samantalang ang sinasabi ng batas ay hanggang dito nalang ang panunungkulan mo? Bayani bang maitutring ang mawala nalamang bigla ang mga taong ayaw sa pamumuno mo at tinutuligsa ang palakad ng iyong gobyerno? Bayani bang maituturing ang malunod sa kapangyarihan at tumapak sa karapatan ng iba upang mapanatili lamang ito? Bayani bang maitututring ang magnakaw sa kaban ng bayan at payamanin ang mga malalapit sa buhay mo at tapat sa rehimen mo? Kung ganito ang bayani sa atin marahil may problema din tayo sa pag tingin sa kung anu ang tama at mali.
Marahil sasabihin ng ilan na hindi naman lahat ng nakahimlay doon ay bayani. Maari, ngunit masisiguro ko na ang mga nakalibing doon ay walang kaso ng human rights violation, walang ipinadukot at ipinalikida dahil lumalaban sa kanya at lalong hindi rin sila taksil sa taong bayan. Oo nga marahil hindi lahat ng nakalibing doon ay bayani, ngunit ang panukalang ito ay malinaw na pagtapak sa mga ipinaglalaban ng mga naabuso sa panahon ng Martial Law at Rehimeng Marcos. Maari sigurong mailibing sya doon kung papalitan nanatin ang pangaln ng Libingan ng mga Bayani- Mas maganda siguro kung “Libingan ng mga Bayani/diktador/magnanakaw at iba pa”.
Anu nalang kaya ang masasabi ni Rizal na matapos bitayin dahil sa pagsasalita sa mapaniil na ay makakahilera nya ang isang taong nagpatahimik at ayaw sa malayang pamamahayag tulad ng Espanya noon? Sa palagay ko hindi nya ito ikatutuwa.
Marami ang nagsasabing wag natayong mabuhay sa nakaraan, ngunit payo lang naman mula sa isang taong hindi naranasan ang Martial Law, dapat nating alamin ang mga pangyayari at mga naganap upang patas ang pagtanaw natin sa nakaraan at sa mga pangunahing karakter sa kwento ng Martial Law at EDSA 1.
Tama nga na hindi tayo dapat mabuhay sa nakaraan ngunit mali rin naman kalimutan natin ang mga kasalanang nag bunga ng paghihirap ng mga Pilipino ngayon. Gamitin natin ang nakaraan para mas rasyonal at pantay ang pagtanaw natin sa kasalukuyan at may direksyon an gating hinaharap.
No comments:
Post a Comment